THE Day
Ang tagal kong hinintay ang July 21, 2007 dahil sa Harry Potter! =))Unfortunately, last day of training ko nun kaya hindi ko agad nakuha/nabasa yung libro. Pero, on the way to Meralco (mga 7am) dumaan muna kami sa National Bookstore sa Glorietta kasi curious lang kami kung maraming tao =)) pero konti lang nakita namin sa loob ng store. Tapos on the way sa Makati Med, ihahatid kasi muna namin sister ko, naghahanap kami ng mga taong may dalang Deathly Hollows at may ilan kaming nakita. Hehehe!After nung training ko (sa wakas!), mga 4:50pm siguro natapos, medyo madilim at kumukulog. Malapit na bumagsak ang ulan so nagmamadali ako lumabas ng BSC dahil malayo pa lalakarin ko papuntang MRT. Luckily, nakasabay ko lumabas yung isang classmate/officemate ko eh may kotse siya kaya niyaya niya na ako sumabay sa kanila. Wow! Lucky day.. hehehe. Eh nung time lang na yun kami nag-usap. Hahaha! Swerte talaga.At dahil naihatid nila ako hanggang SM Makati, nakahabol pa ako sa mass sa Glorietta :D. Nandun na si Macy pagdating ko at nabili niya na yung Book 7!!! After the mass, diretso uwi na para maumpisahan yung libro. Hehehe! Kaya lang mga 10pm pa lang eh inantok nako =P. Natulog na lang ako since useless naman kung wala akong maiintindihan.Tapos nagising ako kanina mga 4am so nagbasa na lang ulit ako :D. Hanggang mga 12nn kanina ko binasa yung libro. Hehehe! Kaya medyo masakit ulo ko ngayon.***WARNING: Spoiler Below - Highlight to read =P***Ayoko nung ending =P. Harry/Hermione fan kasi ako at haaay... hindi sila sa dulo ='(. Anyway, there's always fanfiction :D.

<< Home