Sunday, April 1, 2007

Overnight at Peper's

Canceled my derma yesterday to spend time with friends. Naks! Hahaha! Nagkita kami ni Cha sa Chowking Bicutan para sabay na kaming pumunta sa Eastwood. Dun kasi kami magkikita kita for lunch at hindi ako marunong pumunta dun! Hehe. Dumaan muna kami ni Cha sa Meco dahil naiwan niya "kikay kit" niya :D. After dumaan ng Meco, nagtaxi na lang kami dahil sobrang init! Mga 11:15 kami dumating ng Eastwood. Hehe. Ang aga! Between 11:30 to 12 kasi meeting time para sa lunch namin sa Heaven and Eggs at syempre dumating yung iba ng mga 12. Buti kasama ko si Cha dahil kung hindi malamang matagal akong mag-isang naghihintay. Hehehe.Mga 12, pumasok na kami ni Cha sa Heaven and Eggs. Sunod na dumating si Hubert, then Peper and then Diana :). Grabe yung food! ANG LAKI NG SERVINGS! Hehe, first time eh pero sinabihan naman nila ako :D. Lahat kami hindi naubos yung food :)). Sayang! Pero hindi na talaga kaya. Sina Peper at Hubert nga may order pang pancakes aside from their meal. Kamusta naman yun?! At hanga na talaga ako kay Peper dahil nakain niya yung 5 pancakes niya habang si Hubert ay sumuko na =)). Bow ako. Hahaha!After kumain, pumunta kami sa Cyber1 Mall para tumingin ng pwedeng ipang Flexben. Deadline kasi tomorrow at mahirap magbudget ng points lalo na't hindi naman malaki ang points :)).After magwindow shopping, nag-arcade kami :). After arcade, nag Jack's Loft kami. Hmmm.. sounds familiar?? Hehehe. Pero nagwater lang ako at busog pa ko. Hahaha!Tapos nun, pumunta na kami sa bahay ni Peper. Pagdating dun kwentuhan lang. Umalis si Diana ng mga 7pm tapos kami kwentuhan lang ulit habang nanonood ng tv. After dinner, nood tapos walang katapusang kwentuhan at asaran. :)) At tinulugan kami ni Cha! Hmmphh! Heehehe. Umalis na si Hubert ng mga 12mn tapos kaming tatlo eh pumunta na sa room ni Peper para manood pa ng tv. Hay. Kakapagod! Hahaha! Mga 2am na ata kami natulog :)Mga 10:30 na kami nagbreakfast :). Pero mga 9:30 naman gising na kami. Tapos nood ng Amazing Race replay! Woohoo! Hindi kasi namin napanood last Monday dahil sa badminton games :).Mga 2pm kami umalis ng bahay nina Peper. Hinatid niya kami ni Cha sa Podium. Ang bait! :D Hehehe! Dinaanan ako ng parents ko sa Megamall tapos diretso na kami kina lola.Wala akong pasok tomorrow. Yay! Nagleave ako para naman 4 days pahinga ko. Yoohoo!!!