Tambay Kina Diana
Last Friday (June 22), nag-overnight kami sa mansion nina Diana sa Valle Verde. Mga 6:30pm na ata kami nakarating sa kanila dahil hinintay pa namin si Trick dumating sa may meco. Pagdating kina Diana, nood muna sa malaki nilang tv. Mas matangkad pa nga ata yung tv kay Cha. Haha! Tapos yung iba naghanap na ng pwedeng orderan ng food. Nagpadeliver na lang kami sa North Park at isa pang chinese restaurant (hindi kasi ako nagpapay attention haha!). After umorder, nagpalit na kami ng pang-swimming! Yay! May pool kasi sina Diana... ayos! Dumating na rin yung pagkain after namin magpalit kaya kumain muna kami bago mag-swimming. Para maburn agad yung kakainin hahaha!After kumain ng dinner, pumunta na kami sa pool area! Malamig daw tubig kaya hindi muna ako lumusong =)). After ilang minutes eh napilitan din dahil hinila nila ako sa tubig. Haaay. Pagdating ko sa pool hindi ako masyadong gumagalaw dahil malamig nga! Brrrrrr.... Ilang minutes din ako bago naka-recover. Hehehe!At dahil dala ni Cha ang kanyang underwater camera, take advantage na eto! Naka-ilang underwater pics din kami =)). Mga adik talaga! Nung malapit nang mag-PBB eh nag-umpisa nang umahon. Fourth to the last na ko umahon dahil ayoko naman manood ng PBB. Maha-high blood lang ako ng di oras. Pero subalit datapwa't pagkatapos ko maligo eh hindi pa rin pala nag-uumpisa yung show. Kinain na rin namin sa wakas yung cake na pinadeliver c/o of Cha. Thanks Cha! Ang laki nung cake. Sooobbbrraaaa. Hindi namin naubos =(. Medyo inumpisahan ko na matulog nung pinapalabas na yung PBB =)). Tapos nila manood lumipat kami sa den. Sikat! May den pang nalalaman. Haha! Nanood sila ng dvd at ako'y natulog na dahil may training pa ko ng 9am-6pm nung araw na yun. Nagising ako nung natapos yung movie nila. Lumipat si Trick sa may sala dahil malamig daw. Sumunod nako dahil ang uncomfortable matulog dun sa one-seater na sofa. At dahil kami lang dalawa ni Trick sa sala, tig-isa kami ng mahabang sofa. Hahaha!Gumising na ako ng mga 6am at guess what... ako nanaman unang gising samin =)). Anyway, ako lang naman kasi ata maliligo dahil ako lang may training! Bwiset! After ko maligo, nagising na rin yung iba at nagbihis na. Mga 7:30am na kami umalis kina Diana para kumain sa Something Fishy sa Eastwood. Bakit dun? Kasi may eat-all-you-can na breakfast for P89.00 only. Hahaha! Pero sadly, hindi namin nasulit. Hindi na kasi kami nakabalik. Hindi kami breakfast people! =))Mga 9:10am kami natapos magbreakfast. Naghiwa-hiwalay na kami after that. Sumabay kami nina Diana at Nathan kay Hubert pabalik ng meco. Ako kasi may training nga tapos si Nathan naman may OT tapos si Diana ihahatid ni Hubert sa bahay nila.Click here for the pictures.Nalate ako sa J2EE training ko. Mga 9:30am nako nakarating. Buti na lang nagseset-up pa yung instructor namin. Wala si Kako =(, next week pa daw siya aattend. Buti na lang nandun si Ice at kahit papano eh may nakausap ako. At dahil pala late ako dumating sa harap ako napapwesto. Hahaha! Sobrang inantok ako grabe. Tinulugan ko na nga lang yung mga breaks tapos mabilis na lunch tapos tulog ulit. Buti na lang mga 4:30pm natapos kaya nakahabol pa ko sa 5:00pm mass sa Glorietta =). 4 more training sessions to go! Arggghhh!Pagdating sa bahay sinisipon nako at masama pakiramdam =(. Pero ngayon ayos na ulit ako =). Nabawi ko na sa tulog kagabi. Hehehe!

<< Home