Let's Rock Manila Concert
March 9, 2007, 8pm, AranetaLet's Rock ManilaKitchie Nadal and Barbie Almalbis with Gerard Salonga, Rico Blanco and Jett Pangan*Malabo yung pics. Hay. Click to enlarge at para naman may makita kayo. Hehe.Nabitin ako! Maganda yung concert :)Dumating na kami sa Araneta ng mga past 8. Expected na namin kasi na medyo late mag-uumpisa at ayun past 9 na nga nagstart yung concert.Naka-upo kami sa Row K tapos aisle seat ako. Ang ayaw ko lang eh yung kumukuha ng video sa may aisle kasi natatakpan niya view ko! Hehe. Oh well, at least yung left part ng stage yung natatakpan niya at kita ko pa rin yung center stage. Namiss ko tuloy yung front row seat ko dati sa Kitchie and Rivermaya concert. Kaya lang kasi mas mura dati, P800+ nasa harap ka na eh ngayon yung P1200+ na ticket namin eh Row K lang. Hay.Mga 9:15pm umakyat sa stage sina Kitchie, Barbie, Gerard, yung banda at yung orchestra. Bale si Gerard at yung sa orchestra nasa left side (facing the stage), si Kitchie center left, Barbie sa center right, yung iba pang part ng orchestra nasa right, at yung band nasa center middle/back.First set, duet sina Kitchie and Barbie. Come Together (not sure about the title) ata first song. Haha. Nakalimutan na agad! Tapos may iba pang songs hindi ko lang maalala. Naka long skirt si Kitchie! Hehe. Well, wala akong masyadong alam sa mga terms basta yun yung suot niya. Wehehehe.the beautiful ladies - Kitchie and BarbieAfter nun, umalis na muna si Barbie so set na ni Kitchie. Kinanta niya yung Bulong, Wag na Wag Mong Sasabihin, Fire, Buwan, Majika, at Ligaya (hindi yan in chronological order, nakalimutan ko na kasi tska hindi rin ako sure kung may nakalimutan akong kanta hehe). Sa set ni Kitchie lumabas si Rico. Isang song lang kinanta niya, You'll Be Safe Here. Ayos! Ang astig ng buhok ni Rico. Hehehe. Kakaiba.KitchieRico... with Gerard sa 2nd pic (kita nyo ba? hehe)After ng set ni Kitchie umakyat ulit si Barbie. Nagpalit na siya ng damit. Hehe. Kinanta nila yung Same Ground, Greatest Day at Firewoman (malamang may nakalimutan ulit akong kanta). Dun sa Greatest Day na song may kasamang "fashion show". Ang nag-"model" ng Bayo clothes ay yung mga taga DLSU Pep.Kitchie and Barbie ulit :)After nun, set na ni Barbie. Halos naka-upo lang siya sa buong set niya malamang dahil preggy siya :). Kinanta niya yung Tabing Ilog, Summer Day, High (with her drummer), Goodnight (hindi rin 'to chronological at may nakalimutan din ako dito). Ang galing ni Barbie mag gitara. Astig yung mga solos niya. Hehe. Sa set naman niya lumabas si Jett. Kinanta niya yung Salamat (not sure about the title ulit hehe).Barbie and bandJett with GerardNext set eh bumalik na si Kitchie at nagpalit din siya ng damit. Kakaiba ayos niya. Hehe. Yung pinerform nila eh yung "Manila Sound".. basta parang ganun yung category. Hahaha. Kinanta ni Kitchie yung Nosi Ba Lasi. Yun lang ata nakilala ko dun sa mga kinanta nila o malamang nakalimutan ko lang :p. Umakyat ulit sina Rico at Jett at ayun nagkantahan na sila :).Kitchie, Barbie, Rico at Jett... haha! sana makita niyoTapos umalis na sina Rico at Jett so sina Kitchie at Barbie na lang ulit sa stage. Kinanta nila yung Sugod ng Sandwich tapos ang natatandaan ko na lang is yung finale nila is Greatest Day.. yup, yun ulit. Hehe. Tapos sa bandang dulo ng kanta pinapunta na ni Kitchie yung mga gusto magpapicture sa harap. Hehe. Nice! Kaya lang hindi na ko lumapit kasi madaming tao. Nag-sign din sila ng autographs.Kitchie and Barbie babye na! Wow may mga confetti. Hehe.Nabitin ako sa concert! Mga 11:30pm na natapos so mga 2 hours lang yung concert. Sayang hindi sila bumaba ng stage wala tuloy akong malapit na kuha. Hehe :p.after the concert... uwian na!Ayos yung concert kahit bitin!!! Pagdiinan daw ba? Hahaha. Galing din ni Gerard Salonga at yung orchestra :). Kainis lang at pangit yung mga pictures kahit 3.2 MP na yan ha! Kasi naman olats ko kumuha hehe tapos syempre wala ako sa bandang harap.Sana may susunod pa :D. Excited na ko bumili ng bagong album ni Kitchie :).
