Monday, January 1, 2007

Usapang Headgear

Suot ko na! Gaya nga siya nung mga previous pictures na pinost ko. Kulay black.. pinapipili kasi ako between black and pink... Hahahaha! Eh di syempre black na.Masakit ang ngipin ko at leeg ko! Ngipin ko kasi naglagay sila ng something sa molars ko (siniksik nila) para ma-i-hook yung bakal sa braces. Leeg dahil restricted siya... ang hirap lumingon :(. Feel ko talaga magkaka-stiff neck ako. Tapos parang naglalaway ako. Bwahaha.Good news is natatanggal siya. Bad news is dapat at least 8 hours ko siyang suot :(. Oh well, malamang dayain ko. Wehehehe.Syet! Hindi ko kaya 'tong suotin in public. Actually, paglabas ko ng clinic suot ko na siya hanggang parking lot. At syempre tumitingin yung mga tao. Hay.Arghhhh!!!!

Hong Kong!

What: Hong Kong TripWhen: Officially: December 26 - 29 (4 days, 3 nights); Technically: December 26-30Where: Hong Kong!Who: Reyes clan -Starring (21): Tita Thel, Tito Rolly, Sur; Tito Ray, Tita Evelyn, Rafael, Eunice, Bethel; Papa, Mama, Me, Macy; Tita Tess, Tito Robert, Anna, Abbie; Tito Bobby, Tita Marie, Sarah, Pauline, Joseph;Yung hong kong trip is for lola talaga kasi nag-80 siya this year but sadly hindi siya sumama dahil hindi niya na kaya.*click image to see the larger(and clearer) version :)December 26Departure time is 8am. Cebu Pacific yung airline. Yung family namin eh nandun na ng mga 430am. Hehe. Kami kasi pinakamalapit kaya ayun. Nagtaxi lang kami kasi mahal mag Park and Fly :).Hindi hassle yung mga processes sa airport siguro kasi maaga pa at hindi ganun masyado kadami yung tao. Dun na kami nagbreakfast.About 735 nagboard na sa airplane. At mga 8 nga umalis. Naks, on time. Kaya lang dun sa airplane c2 lang yung sinerve! :( Kamusta naman yun. Hay.boarding passDumating kami ng Hong Kong airport ng mga 10. Maganda pa rin yung airport nila. Hahaha! Syempre naman. Kahiya hiya yung airport natin... parang huli tayo ng 100 years. Yung Cebu Pacific nagland dun sa halos pinkadulo ata. hahaha. Grabe. Ang layo nung nilakad namin buti na lang may walkalator :)). Mura ata yung binabayaran ng Cebu Pacific kaya bandang dulo. Hehehe!nasa HK na kami! woohoo!Mga 11am kumain kami ng lunch sa Mcdo! sa loob ng airport. hahaha! Nasa Hong Kong na nga Mcdo pa rin! Syempre mega compute kami parati from HK dollar to peso. Hehe.. So panay times 7 kami tuwing may nakikitang price :)). Ang mahal kaya ng mcdo dun! Tapos nahirapan pa mag-order dahil hindi magkaintindihan. Hahaha!mcdonald's!!! sa airport1210 lumabas na kami ng airport. Tapos nag-airbus kami papunta sa Charterhouse where we're staying. Naks! Double-decker yung bus ala Spice bus. Wahahaha! Medyo matagal travel time pero less than 1 hour naman. Malayo kasi yung airport eh. Dati pala sa Imperial Hotel kami na nasa Kowloon side ngayon naman yung Charterhouse nasa Hong Kong side kaya kelangan pang dumaan ng underground tunnel para makarating dun :D.sa loob ng airbus.. papuntang hotelAround 1300 nakarating kaming Charterhouse pero yung binabaan namin dun sa bus eh medyo malayo pa pala kaya naglakad pa kami hilahila ang aming mga maleta. Kamusta naman yun?! Mga 1330 na kami nakapagcheck-in. Tapos..tulog!!! Nakakapagod kaya! :Pnaghihintay sa hotel lobby na makapagcheck-in1600 meeting time sa hotel lobby. Nag-mtr kami. Astig! Parang mrt pero syempre sobrang mas maganda. Andami nilang linya ng train kaya madali magcommute kasi connected sila. Aliw pa yung pagbili ng ticket kasi via machine siya. hehe :P Pumunta kami sa Avenue of Stars tapos kita mo yung mga buildings sa Hong Kong na may lights. Ang ganda :D. Naglakad lakad lang kami at hinanap yung mga hand prints nila Jackie Chan, Jet Li, etc. Hehehe. Ang lamig! Grabe... nagkasipon pa tuloy ako tska si macy :(.sa mtr papuntang avenue of starsAfter maglakad (at mapagod) umalis na kami dun at naghanap ng makakainan. Medyo mahirap kasi dinner time nun at andaming kumakain. Fortunately (pero Unfortunately pala), nakahanap kami ng makakainan na maaaccommodate kami lahat. Pero pero pero! Kadiri kaya yung kinainan namin. Ang pangalan eh Guangdong Barbecue house. Andumi nung floor tapos yung mga waiters dun yung mouth ng glass yung hinahawakan nila pagserve ng drinks. Yak! Tapos nilalapag lang nila sa table yung chopsticks.After dinner, na hindi nakakabusog.. nag-supermarket kami. Bumili ng noodles, water, at kung anu ano pa na pwedeng pang breakfast/snacks. Tapos uwian na! Hay... kapagod.December 27Gising ng 515 kasi 8 yung meeting time sa lobby. Pero, ewan ko ba kung bakit ang tagal umalis.. 930 na kami nakaalis ng hotel. Nagtaxi kami papuntang Ocean Park. Gusto ko rin taxis nila. Hehe. Uniform kasi yung color (red! hehe) tapos mukhang decent pa yung drivers. Tapos spacious yung likod at automatic nagbubukas yung door pagbababa ka na! Hehehe. Naaliw nanaman ako!ocean park here we come!!!10 kami dumating ng Ocean Park at andami nang tao. Nakapunta na rin kami (yung family ko) dati dito kaya lang ang natatandaan ko lang eh yung aquarium. Hehe. So anyway, masaya siya kahit sobrang dami ng tao. Nagcable car kami papunta sa Headland. Pagdating dun sumakay kami sa Ocean Park Tower kung san makikita mo yung buong Ocean Park.. well, syempre hindi lahat hehe, pero maganda yung view. Sumakay din kami sa Mine Train. Parang Roller Skates ng Enchanted pero mas "nakakatakot" siya. Mga 1hour kaming nakapila dun sa ilalim ng araw. Buti na lang malamig ang hangin. hehe. Syempre sa Ocean Park na kami kumain ng lunch at chinese na naman! Hay... biglang nagsawa kami after kumain sa Guangdong. Hehe. Kahit Mcdo paulit ulit mas okay pa.cable cars!After lunch, yung iba nagrides pa tapos yung iba (including me), pumunta sa Atoll Reef at Shark Aquarium. Ang ganda :). Tapos nagkita kita kami sa Ocean Theater ng 1530 kung saan merong show ng mga dolphins, seals, etc. Dito kumulo ang dugo namin. Kasi marami nang tao so nandun lang kami sa labas kasi kita mo naman dahil pababa yung theater tska open siya. Ngayon may tali dun sa harap kasi for disabled people lang siya. Pero wala naman tao dun kaya kita pa rin namin. Tapos 'tong mga walang modong mga intsik (mga medyo matatanda nang mga babae) eh lumusot sa tali at tinakpan yung view namin. Pinapababa sila nung iba pang tao sa likod tapos bababa sila tapos maya maya nakatayo ulit! Ang kapal talaga ng mga mukha. Sana man lang nakakaintindi sila ng english para na *toot* ko sila. Nakuuuuu!!! Ang sarap pagsasapakin. Hay. Tuwing naiisip ko yun talagang kumukulo dugo ko. Para kasing wala silang pakialam eh. Bwiset!!!sa atoll reefAfter nun, cable car ulit para makabalik sa Lowland. Pumunta kami sa may mga Pandas. Ang kyukyut nila! Hehehe. Dalawa lang actually yung pandas isang boy isang girl. Nakalimutan ko yung mga pangalan nila. After dun, pumunta na kami malapit sa entrance/exit. Yung iba bumili muna ng food sa mcdo.hello pandas!Around 1745 umalis na kami tapos nagtaxi papuntang KFC sa may Johnston para sa dinner. Hehe. Ayaw na ng chinese food! Mga past 1900 na kami umalis tapos punta sa Avenue of Stars ulit kasi merong lights and sounds show ng 2000. Kaya lang andaming stop overs kaya pagdating dun yung finale na lang naabutan namin. As in yung last 10 seconds. Hahha. Mega takbo pa kami kasi from afar nakikita na namin siya. Naghang-out kami dun ng ilang minutes at nagdecide kung san pupunta.sa avenue of stars.. the peninsula yung nasa duloMga past 2100 umalis na kami para pumunta sa night market sa may Mongkok. Yung iba umuwi na kasi pagod. Nag-kcr(parang mtr) kami papunta dun tapos sa ladies market kami pumunta. Isang mahabang lane yung ladies market. Ewan ko kung bakit yun yung tawag eh may mga pang lalake din naman. Hehehe. Past 2300 na kami umalis ng night market tapos mtr ulit papuntang hotel. 12 midnight na kami nakabalik at sobrang sakit ng mga paa namin.kcr papuntang mongkok... mtr pauwi, sa causeway bay station kami bumaba kung saan andun yung time squareDecember 28Meeting time 800 sa hotel lobby with Tito Bobby and family, our family plus Rafael and Bethel. Kami lang kasi pupuntang Disneyland. Yung iba magcicity tour.. nakapunta na kasi yung iba sa Disneyland sa States... tapos si Sur ayaw lang sumama kasi maliit lang daw yung HK Disneyland. Kaya nga raw ng half day. Pero pero pero.. hindi pala...Mtr ulit papuntang Disneyland :D. Naka-4 na lipat kami ng train. Astig diba? Hehe. Yung last train special kasi for Disneyland lang talaga siya at ang ganda nung interior kasi may mga display ng statuettes ng mga disney characters tapos yung upuan kulay blue at padded siya parang couch. Hehe. Tapos yung windows hugis mickey mouse pati yung mga hawakan. Yung Disneyland station maganda rin :).on our way to disneylandhaha! mickey ears!sample displays sa loob ng train papuntang disneylandPagkalabas ng station, makikita mo na yung arc na nakalagay Welcome to Disneyland at syempre andun sa Mickey. Hehe. Malawak yung pathway at medyo mahaba tapos meron sa bandang gitna na fountain. Nandun si Mickey na nakasakay sa surfboard at nakalutang siya sa tubig na nang-gagaling sa isang whale. Hehe. Hindi ko alam kung san siyang disney movie.. pinocchio ata. Tapos sa paligid nung fountain may mga statues nina Donald Duck, Goofy, etc.we're going in!$350HKD ang isa kasi peak season. Hindi pa ganun kadami yung tao nung pagpasok namin kasi medyo maaga pa. Kumain muna kami ng snacks at syempre mas mahal ang food sa loob. Tapos nag Jungle River Cruise kami. Habang nakapila may parang mini parade tapos nakita namin dun yung Filipino na nakasabay namin sa train papuntang Disneyland. Mukha ngang maraming Filipinos na nagtatrabaho dun. Nakakatuwa at nakakatawa yung ride hehe. Buti na lang hindi ako nabasa!libot libot sa disneylandNanood kami ng Festival of the Lion King. Parang mini broadway show siya. Maganda yung show :). Pinalabas siya sa Theater in the Wild. Nag train din kami na umiikot sa buong Disneyland. Pumunta rin kami sa Mickey's PhilharMagic. Eto ang pinaka-gusto ko hahaha. 3-D show kasi siya tapos syempre naka 3d glasses kami. Dun sa loob ng theater may mga parang butas sa harap ng seats tapos dun lumalabas yung tubig (inispray kaya kami! hehe), tapos yung amoy nung pie (syet, nakakagutom), tska hangin. Astig talaga! Hahaha. Nakakatuwa. After nun, naglunch kami sa Royal Banquet Hall. Ayos yung food kasi hindi chinese yung inorder namin. hahaha. In fairness, maganda yung hall parang pang royalty. hehe. After nun, tumingin na kami ng souvenirs na as usual over priced pero wala ka namang magagawa eh.lion king tapos sakay sa train para sa grand tourKaming 4 (ako, si macy, si rafael at si bethel) eh humiwalay. Pumunta kami sa Space Mountain. Mga 20 minutes din ang pinila namin. Yung ride sa loob siya ng isang big dome tapos para rin siyang roller coaster without the loop. May mga twists, turns and drops tapos kita mo rin yung mga stars, and other heavenly bodies. Hehe. Sandali lang yung ride. After nun, pumunta na kami sa Main Street Station kasi dun yung usapan magkikita para manood ng Disney Parade ng 1500. Hay naku, wala kaya sila dun. Pero dun na kami pumwesto para manood nung parade. Marami raming pinoy na kasama sa parade. May mga lumapit samin habang nagpeperform hehe... may biglang nagsabi na "Mabuhay" samin tapos meron ding "Kamusta?".. Hahaha.. napatawa na lang kami. Dun na lang kaya ako magtrabaho.. hmmm.. hehepicture taking with timon and buzz lightyeardisney parade!Hindi namin makita yung iba kaya paikot ikot na lang kami sa Disneyland tapos sa wakas nakita namin sina mama at papa at pinamerienda nila kami. Buti naman! Hehe. Triny naming hanapin sina Tito Bobby pero masyado nang maraming tao kaya pumwesto na lang kami malapit sa exits para makita namin sila. Grabe mga past 1900 na kami nagkita. At sobrang lamig na. Pareho pala kaming naghihintayan sa magkaibang parts ng Disneyland. Kamusta naman yun?! Hindi na namin nahabol yung lights and sounds sa Avenue of Stars. Kasi nga diba hindi namin naabutan nung isang araw at unfortunately hindi rin ngayon. Kasi kala talaga namin sandali lang kami dun tapos yun pala marami rin palang magagawa dun tapos nagkanda walaan pa kami kaya lalong kaming nagtagal. Hay...babye disneyland!Pagdating sa Causeway bay station nauna na kaming apat (ako, macy, rafael at bethel) sa hotel at nagpahinga na. Disneyland lang kami buong araw!December 29Family lang namin at nina Tito Bobby ang umalis ng mga 8 papuntang Victoria Peak. Yung iba kasi kahapon pumunta. Hindi na sumama samin sina raf at bethel dahil napagod sila. Nagtaxi kami papuntang Peak Tram kung san kami sumakay ng Tram papuntang Victoria Peak. Ayos yung tram.. may point na nakahiga kami ng 45degrees. Hehehe. Pagdating dun sa station namili muna ng mga souvenirs ulit tapos paglabas ng building papuntang Victoria Peak.. super duper lamig!!! Eto na yung pinakamalamig na naramdaman ko. Haha.on our way to victoria peakthe view - okay.. pangit kuha ko pero promise maganda yung view..hahahajust call me bond... james bond... sa mallAfter that, nagtaxi ulit kami papuntang Time Square para magshopping. Humiwalay na kami kina Tito Bobby. Nung malapit na mag1130 naglakad na kaming pabalik ng hotel. 1130 kasi meeting time for lunch with the others.Pagdating sa hotel, nagcheck-out na rin kami. Buti na lang yung isang room binigay samin hanggang 1800 free of charge para dun ilalagay yung mga gamit namin. So dineposit namin sa room nina Tito Bobby lahat ng luggages namin.After magcheck-out naglunch kami sa Time Square. Sa Cafe de Coral.. dun din daw sila kumain ng dinner kahapon. Chinese food!!!! Hay... Anlaki ng servings tapos mura tska maayos naman tignan yung restaurant kaya lang sawang sawa na talaga kami(magpipinsan) sa chinese food.After lunch, bumalik kaming Mongkok para magshopping ulit. Ang nabili ko lang dun eh yung screen protector para sa phone ko for $18HKD. Hindi ko alam kung nakamura ba ako o mas mura dito. Naghiwa-hiwalay na rin kami sa Mongkok kasi kanya kanyang shopping. Antagal naming naghanap ng adidas jacket (for me) at adidas shoes (for macy)... pero wala pa rin :(. Nagmerienda kami (family ko) sa pizza hut tapos mtr na pabalik ng hotel.Malapit nang mag-1800 nung nakabalik kami. Lahat kami nasa room nina Tito Bobby para kuning yung mga bagahe.. lapit na kasi check out time eh. Around 1800 dumating yung bus namin na maghahatid samin sa airport. 2155 kasi flight namin dapat 2hrs before andun na kami sa airport.Mga past 1900 kami nakarating ng airport. After kumuha ng mga boarding pass (na medyo natagalan din) nagdinner na kami. Yung iba samin nagsarili tapos yung iba (including us) kumain sa Popeye's. Hindi na namin hinintay yung iba kasi malapit nang mag 2115 nun (start ng boarding) at may bibilhin pa si Mama for Tita Eileen.hk airport.. lapit na uwi :(Nagtrain kami papuntang Gate 40 (pwede ring maglakad)... kamusta naman yun? Haha.. pagdating dun... delayed yung flight namin! Umupo nalang kami dun at naghintay. Tapos pinalipat kami sa Gate 24 at dun na raw kami sasakay. Tapos after ilang minutes nakalagay na na 2315 na yung dating nung airplane.. eh dapat 2155 yung departure namin! Tapos pagdating ng mga 2315 wala pa rin yung plane. Maya maya pa nag-announce na sila about sa curfew something at hindi 24hrs yung NAIA ata.. basta some excuse kaya ang flight namin is 1400 na raw! 4 hrs na delay yung flight namin. Binigyan na lang kami ng tig-iisang coupon para pangkain na worth $50HKD tapos sa Cafe de Coral nanaman! Syeeetttt! Kung mamalasin ka nga naman. Yung ibang kainan eh sarado na so no choice. Tapos yung menu pa nila konti tapos maya't maya binabawasan pa nila yung mga nasa menu! Heller! Ang pangit na nga ng pagkain tapos babawasan pa yung choices. Ang saya diba. Ang kinain ko na lang eh pancit tska tubig. Kasi ang siniserve lang nila eh pancit, congee, chicken (na napilitan pa silang iserve) at tubig. Nakakainis pa yung mga nasa counter kasi nagdadabog pa eh sila na nga yung kumikita samin diba?!naghihintay makauwiButi na lang merong lounge dun na pwede kang mahiga yung iba sa upuan na lang natulog tapos kami naglaro na lang. Hay. Mga 200 nagboard yung airplane.. sa wakas! So hanggang 30 nga kami sa Hong Kong so bale 5 days 4 nights at yung last night at day namin eh sa airport ginawa. Hahahaha.Pagdating sa plane halos tulog na agad. At surprise suprise... c2 lang ulit ang sinerve. Hay...Past 4 in the morning na kami nakadating ng NAIA. Gusto na rin ata umuwi ng mga tao dun at ang bilis lang namin sa immigration. Wala nang check check. Nagtaxi kami pauwi. Yung iba kasi nag Park and Fly. Sandali lang namin yung ride from airport sa bahay. Pagdating ng bahay tulog na agad. Sobrang pagod.Masaya yung trip kasi first time na magkakasama kami na pumunta sa ibang bansa. Usually kasi pag vacation sa Philippines lang. Sana maulit ulit pero malamang matagal pa dahil kelangan mag-ipon ulit! Hehehe.*yung pics galing sa phone ko.. naks!... except for some..hehe

I'm Not Fit

Alam ko na 'to dati pa pero mas napatunayan ko sa sarili ko kahapon na talaga palang hindi ako fit. Hahaha!Nag-jogging kasi kami after work. Mga 6 na kami nakapag-jog tapos sa jollye kami nagstart paikot ng meco! Grabe. Kala ko ang dali lang mag-jog tapos yun pala ang hirap! Sumakit yung lower legs ko. Wala kasing warm-up eh :p. After 1 round, sumuko na kami ni peper! Kumain na lang kami sa jollye canteen habang yung iba eh nag-second round pa. Hahahaha!After naming lahat kumain, pumunta kami sa field para maglaro ng frisbee :). Ayaw kasi nila manood ng baskeball (valencia vs madrid) lalo na si crisha kasi nga "malas" sya sa team niya (valencia). Hahaha! So para hindi siya masisi pag natalo sila, hindi na lang siya nanood. Nag hagis hagis lang kami ng frisbee sa gilid kasi may game eh. After nung OT game between barcelona and bilbao (nanalo ang bilbao), naglaro na kami sa gitna. Hehe. Tapos maya maya may ibang taong nagyaya na mag-game daw kami. Kamusta naman yun?! Haha. First time kong naglaro kagabi :)). Syet! Nakakapagod siya. Ang laki kasi nung field tapos takbo ka ng takbo. Pero in fairness naka salo at naka throw naman ako. Hehe. Nagpasub na ako nung bandang huli kasi hindi na kaya ng puso ko. Hehe.Ang good news is panalo kami!!!! Both sa women's at men's basketball. Haha! Congrats Madrid! Tapos makakalaban namin yung bilbao sa frisbee finals sa monday :).